-- Advertisements --
Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ang panukalang P7.2-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa fiscal year 2027.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pambansang seguridad, at pagpapalakas ng mga komunidad.
Layunin din nitong mapahusay ang serbisyo ng gobyerno at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Pormal na isusumite ng DBM sa House of Representatives ang panukalang budget, bukas August 11,2026 para sa deliberasyon.
















