-- Advertisements --

Hindi maglalaro sa pagbabalik ng NBA si Washington Wizards guard Bradley Beal.

Ayon kay Wizards general manager Tommy Sheppard, nagkaroon ng shoulder injury si Beal kaya minabuti nitong hindi muna maglaro.

https://www.instagram.com/p/CCWJS5EnGrB/

Sinabi naman ni Beal na isang mahirap na desisyon ang hindi nito paglalaro.

Kahit aniya na anong kagustuhan nitong tulungan ang koponan para manalo ay mas nakakabuting magpahinga na lamang ito.

May average na 30.5 points per game, 4.2 rebounds at 6.1 assist si Beal na siyang tinaguriang pangalawang lead scorer ng NBA na sinusundan si Houston Rockets star James Harden.

Ang right rotator cuff injury ni Beal ay mas lumala pa ng matigil ang laro.

Magugunitang bukod kay Beal ay pinili rin nina John Wall at Davis Bertans ang nagdesisyon na hindi maglaro sa pagbabalik ng laro sa katapusan ng buwan dahil sa injury.