Inaprubahan ng House of Representatives ang 12 sa 48 prayoridad na panukala ng LEDAC sa ikatlo at pinal na pagbasa sa loob lamang ng 22 session days ng unang regular session ng 20th Congress.
Ito ang inihayag ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.
Sinabi ni Marcos na patunay ito ng pagtutok ng Kamara sa adyenda ng reporma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Kabilang sa mga naipasa ang mga panukalang may kinalaman sa enerhiya, edukasyon, kalusugan, buwis, tubig, at good governance.
Ang mga sumusunod ay ang 12 LEDAC priority bills na inaprubahan ng Kamara:
1) EPIRA
2) Waste -to-energy bill
3) National Center for Geriatic Health
4) Amendments to the Gov’t Assistance to Students and Teachers in Private Education Act
5) Assistance to Individuals in Crisis Situations Act
6) Amendments to National Building Code
7) Blue Economy Act
8) National Reintegration Bill
9) Amendments to the Teachers Professionalization Act
10) Extension of the Estate Tax Amnesty Period
11) Department of Water Resources Bill
12) Amendments to the Bank Deposits Secrecy Law
” Under the leadership of Speaker Bojie Dy, we wanted the first months of the 20th Congress to send a clear signal that the House is serious about delivering on the LEDAC. This signifies the hard work and unity of House members in passing these vital pieces of legislation,” pahayag ni Majority Leader Sandro Marcos.
Dagdag niya, naipasa na rin ng Kamara ang ₱6.793-trilyong 2026 General Appropriations Act, habang 32 panukalang batas ang naghihintay na ng aksyon ng Senado.
Sinabi ni Marcos, magsisilbing gulugod ng mga susunod na gawain ng Kamara ang LEDAC measures na direktang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Habang ang lima pang LEDAC measures ay naghihintay na lamang ng input mula sa Committee on Appropriations at sa Committee ng Ways and Means.
Iginiit ng house majority leader na ang nasabing limang LEDAC meaures ay tinaguriang “big structural reforms” mula sa land use to immigration to scholarships.
Sa kabilang dako ang 15 iba pang LEDAC items ay kasalukuyang sumasailalim na sa deliberasyon sa ibat ibang Komite ng Kamara.
















