-- Advertisements --

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na makakakuha na sila ng mga resulta sa isinagawang clinical trials laban sa coronavirus.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nasa halos 5,500 na ang pasyente sa 39 bansa ang nagsagawa na ng Solidarity trial.

Ang Solidarity Trial na nagsimula sa limang bahagi na naghahanap ng gamot sa COVID-19 ay ang standard care; remdesivir, hydroxycholorquiene ang anti-malaria drugs , ritonavir at lopanivir na hinaluan ng interferon na gamot sa HIV.

Aminado rin ang WHO na hindi pa nila matiyak kung kailan tuluyang makakagawa ng bakuna para sa virus.