WHO Wuhan coronavirus China nCoV
WHO

Hindi pa itinuturing ng World Health Organization (WHO) na isa ng pandemic ang outbreak ng novel coronavirus.

Sinabi ni WHO Global Infectious Hazard Preparedness division Sylvie Briand, na nasa epidemic pa lamang ang nasabing banta ng virus.

-- Advertisement --

Isa lamang spillover ang kaso ng mabilisang pagkalat ng nasabing virus na mula sa Hubei.

Umaasa rin aniya ang WHO na gagawa ng paraan ang bawat bansa para mapigilan ang pagkalat ng nasbing virus.

Umaabot na ngayon sa mahigit 400 ang nasawi at mahigit 20,000 ang nadapuan ng nasabing virus sa iba’t-ibang panig ng mundo.