Binago ng World Health Organization (WHO) ang rekomendasyon ng pagtuturok ng mga COVID-19 vaccine booster dose.
Ayon sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) ng WHO na hindi na kailangan pa ng dagdag na bakuna ang mga regular at mga medium risk adults na naturukan na ng unang bakuna at nakatanggap na rin ng isang booster dose.
Isinagawa ang bagong rekomendasyon sa regular biannual meeting nila.
Nakasaad sa rekomendasyon na dapat ay makatanggap ng dagdag na booster shots ang mga nasa highest risk ng mga tao dahil sila ang may malaking tsansa na dapuan ng COVID-19.
Pinasimple na rin nila ang priority categories ng COVID-19 vaccinations ito ay ang high, medium, at low na base sa risk ng severe disease o kamatayan.
Ang high priority group ay kinabibilangan ng older adults, younger adults na may commorbidities gaya ng diabetes at mga taong mayroong immunocompromising condition gaya ng HIV, buntis at mga frontiline workers.