-- Advertisements --

Binatikos ng White House si Dr. Anthony Fauci, director of the National Institute of Allergy and Infectious Diseases, dahil sa pagbatikos nito sa paglaban ni US President Donald Trump sa coronavirus.

Isinagawa ni Fauci ang nasabing pahayag sa panayam ng Washington Post kung saan mahaharap sa matinding pahirap ang US at kailangan ng malawakang pagbabago.

Ibinabala pa rin nito sa pagbabago ng panahon ay tiyak na lolobo ang bilang ng mga madadapuan ng COVID-19.

Sa pahayag naman ng White House spokesman Judd Deere na hindi katanggap-tanggap ang naging pahayag na ito ni Fauci dahil naging bahagi rin si Fauci sa task force laban sa COVID-19.

Isang malaking pagkakamali na batikusin ni Fauci si Trump habang purihin si Democratic presidential candidate Joe Biden.

Magugunitang noong nakaraang ay tinawag naman ni Trump si Fauci bilang isang ‘disaster’ dahil sa hindi nito napigilan ang pagdami ng mga kaso COVID-19.