Inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong lumapit sa kaniya na isang abogado ng isa sa top 15 na contractors na nabigyan ng gobyerno ng flood control projects.
Sinabi nito na maaring maging whistleblower ito dahil sa isinawalat niya ang mga nalalaman ukol sa proyekto sa Central Luzon na nagkakahalaga ng P5-Bilyon na isang ‘Ghost Projects’.
Bilang maituturiing na whistleblowers ay maaring isawalat nito sa gobyerno tungkol sa modus-operandi ganun din ang mga irregularities at ang hatian ng pera.
Hinihintay niya ang pagbibigay ng ibang mga dokumento ng abogado na lumapit sa kaniya.
Sakaling interesado ito ng maging whistleblower ay kailangan na lamang niyang sumulat sa gobyerno na ito ay handang isiwalat ang mga nalalaman nitong anomalya.
Magugunitang naglunsad ng imbestigasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr laban sa mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects.