Sinampahan ng panibagong kaso ng Los Angeles prosecutor si movie producer Harvey Weinstein.

Ito ay dahil sa panggagahasa at sexual assault sa loob ng dalawang araw na nangyari noong 2013.

-- Advertisement --

Sinabi ni Los Angeles County District Attorney Jackie Lacey, na malakas ang kanilang ebidensiya kung saan ginamit ng suspek ang kaniyang impluwensiya para gawin ang panggagahasa.

Dagdag pa nito na nagtungo sa Los Angeles hotel si Weinstein noong Pebrero 2013 at ginahasa ang isang babae pagkatapos ng isang gabi ay hinipuan naman ang isang babae sa isang hotel sa Beverly Hills.

Mariing pinabulaanan naman ni Weinstein ang nasabing alegasyon.

Nauna rito umabot sa 80 mga kababaihan ang nagbunyag na sila ay ginahasa ng movie producers.