Reading Time: 2 minutes
Ponciano Melo
Article by Ponciano Melo (USA Correspondent)

OAKLAND – Dikit na sa 3-2 ang Golden State Warriors at Toronto kaya nauwi sa Game 6 serye ngunit nanganganib umano ang Raptors dahil sa pagkawala ni Kevin Durant bunsod ng injury sa ginanap na Game 5 sa Canada.

“We do it for Kevin,” sambit ni Klay Thompson sa mga reporters.

“It obviously inspires you to play harder knowing your best player can’t be out there. You think of him every time you dive for a loose ball or go for a rebound, because I know him and I know how bad he wants to be out there. That’s why he was out there,” dagdag pa ni Thompson.

Ayon naman kay Stephen Curry napakalaking bagay sa kanila ang maglaro sa Oracle Arena sa huling sandali dahil ang mga fans nila ang bumubuhay dito.

Bukod sa inspirasyon mula kay Durant ilang beses na ring nagkampeon ang Warriors kumpara sa Raptors na kailanman ay hindi pa nakakapasok sa finals.

Para sa ibang mga analyst sana’y daw ang Warriors sa mahigpit na labanan.

Kung manalo bukas ang Warriors (9AM PH time), tuloy ang Game 7 pabalik sa Toronto sa June 17.

Habol din ng Warriors ang makasaysayang “three-peat” kung sakali.

Kevin Durant 1
Kevin Durant in hospital/ IG post

Sa kabila nito para naman sa ibang mga fans, dapat din daw ipaalala na mula noong regular season at sa dalawang games ngayong Finals ay laging nagwawagi ang Raptors sa mismong teritoryo ng Warriors.