Ipinagpaliban ng World Boxing Organization ang lahat ng mga sanction fights dahil sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Puerto Rico-based organization na lahat ng mga boxing events ay ipagpapaliban ng hanggang June 2020.

Tiniyak naman nila na sila ay mag-uupdate sakaling bumalik na sa normal ang lahat.

Nauna ng kinasela ng WBO ang maraming laban bago pa man ang pormal na anunsiyo.

Kabilang na hindi natuloy ay ang unification showdown sa pagitan nina WBO champion John Riel Casimero at WBA (Super) at IBF titleholder Naoya Inoue sa Abril 25.

Maging ang pang-siyam na title defense ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas.