Nasa bansa ngayon ang Her Majesty’s New Zealand (HMNZ) Te Kaha (F77) ang first class frigate o barkong pang-giyerang ng Royal New Zealand Navy at kasalukuyang nakadaong sa Pier 15, South Harbor sa Maynila para sa isang “goodwill visit.”

Ayon kay Philippine Navy Spokersperson Captain Lued Lincuna na ang Te Kaha (F77) ay mananatili sa bansa hanggang Biyernes April 7,2017.

Isang welcome ceremony ang isinagawa ng mga opisyal ng Philippine Navy para sa bumisitang warship.

Ang New Zealand ay isa sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.