GOLDEN STATE WARRIORS
GSW/ IG post

Nanatiling paboritong manalo pa rin ang NBA defending champion Golden State Warriors sa first game nila ng Toronto Raptors ng NBA Finals na magsisimula sa Biyernes ng umaga.

Sa mga sikat na betting odds sa Amerika, mayroong -300 ang Warriors para manalo kung saan ang $300 na pusta ay mananalo lamang ng $100 habang ang Raptors ay +250 na ang $100 ay mananalo ng $250 na siyang pangalawang pinakamaking underdogs sa nakaraang walong NBA Finals.

Nilinaw din ng mga betting odds makers na posibleng mabago pa rin ang bentahe kapag nagsimula ang game 1.

Nauna rito nakuha ng Raptors ang apat na sunod na panalo at naitala ang 4-2 sa best of seven Eastern Conference finals nila ng Milwaukee Bucks.

Bukod kasi sa ginawang 27 points ni Kawhi Leonard ay mayroong 18 points na naitala si Pascal Siakam, 17 points si Kyle Lowry at 14 points si Fred VanVleet.

Sa dalawang beses na paghaharap ng Warriors at Raptors sa regular season ng NBA ay walang talo ang Toronto na una ay noong November 29 sa score na 131-128 na hindi nakapaglaro si Stephen Curry habang noong Disyembre 12 sa panalo ng Raptors 113-92 ay hindi naman nakapaglaro si Kawhi Leonard.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here