step 3
-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang Golden State Warriros at wala pa ring talo matapos na itala ang ikaapat na panalo laban sa Oklahoma City Thunder, 106-98.

Muli na namang bumida ang veteran player na si Stephen Curry na nagposte ng 23 points.

Sa halftime ay abanse pa ng 11 puntos ang Thunder, hanggang sa mahabol ito ng Warriors sa huling bahagi na ng third quarter.

Samantala, nag-ambag naman sina Andrew Wiggins ng 21 points at si Damion Lee ay nagpakawala ng 20 para sa Warriors.

Sa panig ng Thunder nasayang ang ginawa ni Shai Gilgeous-Alexander na nagtapos sa 30 points.

-- Advertisement --

Sa kabila ng magandang game ng Oklahoma, natikman naman nila ang ikaapat na sunod na talo mula ng magsimula ang bagong NBA season.