Reading Time: 2 minutes

Titiyakin umano ng Golden State Warriors na hindi mababalewala ang sakripisyo ni Kevin Durant para sa kanila sa darating na Game 6 na gaganapin sa kanilang baluwarte sa Oracle Arena.

Ayon kay All-Star guard Stephen Curry, ang katatagan at fighting spirit ng kanilang team ang magiging puhunan nila upang patuloy na kumapit sa NBA Finals.

Ibibigay din aniya nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatiling buhay ang pangarap nila na three-peat.

“We’ll be suiting up in front of Oracle Arena and with the amazing atmosphere and opportunity to play for him, and to kind of honor the sacrifice he made in terms of putting his body on the line,” wika ni Curry.

“We’re going to give everything we got. We’re going to fight. We’re going to compete.”

Sinabi naman ng kanyang Splash Brother na si Klay Thompson, iaalay niya raw ang kanyang efforts para kay Durant.

“It obviously inspires you to play harder knowing your best player can’t be out there,” ani Thompson. “You think of him every time you dive for a loose ball or go for a rebound, because I know him and I know how bad he wants to be out there.”

Giit naman ni forward Draymond Green, bagama’t nakakaranas na raw sila ng pagkahapo sa puntong ito, hindi raw nila ito alintana lalo pa’t krusyal ang next game.

“When we step back on our floor for game six, that’s all that matters,” saad ni Green. “Everybody is facing fatigue at this point. No one cares who is tired or if you’re facing a little fatigue. You’ve got to do what you came here to do anyway.”

Sakaling magwagi ang Golden State sa Game 6, maitatabla na nila sa tigtatlong panalo ang serye nila ng Raptors, at mapupuwersa ang Game 7 na gaganapin naman sa Scotiabank Arena sa Toronto.