Hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa ang Golden State Warriors na manalo sa NBA (National Basketball Association) Finals at makamit ang ikatlong sunod na kampeonato.

curry thompson warriors
‘Splash Brothers’ Stephen Curry and Klay Thompson (photo from @warriors)

Ito’y kahit pa isang beses pa lamang silang nanalo kontra Toronto Raptors sa nakalipas na apat na laro.

Sinabi ni Warriors star Stephen Curry na hindi sila susuko hangga’t mayroon pang pagkakataon na manalo sila sa mga susunod na laro.

“You don’t succeed the way we have over the course of these years without that mentality,” ani Curry.

“So as the second half unfolds and things aren’t going our way, we’re still fighting and trying to get over the hump. But until the final buzzer sounds and somebody gets the four wins, we still have life and have an opportunity to win,” dagdag pa nito.

Samantala, hindi naman nagpapakampante ang Raptors kahit pa may tatlo na silang panalo sa NBA Finals.

Hangad ng Raptors na matuldukan na ang serye sa Game 5 sa araw ng Martes sa mismong kanilang teritoryo sa Scotiabank Arena.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here