Cousins
DeMarcus Cousins/ IG Post

Makakapaglaro na sa Game 1 NBA Finals si Golden State Warriors Cneter DeMarcus Cousins.

Ito mismo ang kinumpirma ng NBA defending champion coach Steve Kerr.

Sinabi pa nito na may mga plano na ito kung paano gamitin si Cousins sa Game 1 kontra sa Toronto Raptors.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon ni Cousins na makapaglaro sa NBA Finals.

Ayon naman kay Cousins na ang paglalaro sa NBA Finals ay isang pangarap ng sinumang basketball players kaya labis ang kaniyang kasiyahan.

Nauna rito nagtamo ng right quadriceps muscle injury si Cousins sa Game 2 ng Warriors kontra Los Angeles Clipper sa opening-round series noong Abril 15.