-- Advertisements --
Tuluyan ng inisyuhan ng ‘warrang of arrest’ ang gaming business tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang ukol sa kasong kinakaharap may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
Sa kopyang ibinahagi ng Department of Justice, ang Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Br. 26 ang naglabas ng ‘arrest warrant’ laban sa negosyante at iba lang akusado.
Kanilang kahaharapin ang kasong ‘kidnapping with homicide’ sa pagiging sangkot umano sa missing sabungeros case.
Sa ikalawabg pahina ng kautusan ng naturang korte, inatasan ang mga awtoridad ang pag-aresto o pagdakip kay Ang at kapwa akusado.
Habang walang piyansa naman ang tinukoy ang hukom para sa kasong kidnapping with homicide kontra sa negosyante.















