-- Advertisements --

Umabot sa walong national road sections ang nananatiling sarado sa mga motorista mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng nagdaang Bagyong Crising, habagat, at iba pang sama ng panahon.

Karamihan sa mga kalsadang ay hindi madaanan dulot dahil sa pagbaha, may gumuhong lupa at mga natumbang punong kahoy.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod;

  • Kennon Road, Tuba, Benguet
  • Parañaque Sucat Road, tapat ng SM Sucat
  • Ilang bahagi ng Dagupan at Tarlac Road
  • Roman Expressway sa Bataan
  • Talisay-Laurel-Agoncillo Road sa Batangas
  • Liloy–Siocon Road sa Zamboanga del Norte

Maliban dito ay limitado ring madaanan ang nasa 17 national road sections dahil sa mga precautionary closure, nasirang slope protection at mga kalsadang nasira dulot ng mga pagbaha.

Kabilang na rito ang mga sumusunod;

  • Bahagi ng Taft Avenue sa Maynila
  • Ilang kalsada sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Batangas, at Zamboanga del Norte
  • Bacoor-Dasmariñas National Road at Aguinaldo Highway, Cavite

Samantala, aabot lahat naman ng mga national roads and bridges sa mga naapektuhang rehiyon sa bansa ang nadadaanan ng mga motorista at lahat ng uri mga sasakyan.

Kaugnay nito ay wala namang patid ang DPWH sa pagsasagawa ng monitoring katuwang ang mga lokal na pamahalaan upang mabilis na matugunan ang mga insidente sa lansangan ngayong masama ang lagay ng panahon.