-- Advertisements --
Inaresto ng Quezon City police si dating vice presidential candidate Walden Bello dahil sa kasong cyber libel.
Ang kaso ay isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas.
Sa pitong pahinang resolution na inilabas noong Hunyo 9 ay napatunayan umano na ang dating mambabatas ay lumabag sa Revised Penal Code at sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa staff ni Bello, unang dinala ito sa station 8 ng QCPD bago inilipat sa Camp Karingal.
Sinabi naman ni QCPD Director Remus Medina, inaresto si Bello dakong ala-5:00 ng hapon sa kaniyang bahay sa Quezon City.
Dinalaw naman ni labor leader at dating presidential candidate Leody de Guzman si Bello para tignan ang kalagayan nito.