Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa ika-108 taong kaarawan ng kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., sa pamamagitan ng pag alay ng bulaklak sa Marcos Monument sa Batac City, Ilocos Norte ngayong araw Setyembre 11, 2025.
Bago ang seremonya, dumalo ang Pangulo at ang First Family sa isang Misa ng Pasasalamat sa Immaculate Conception Parish-Batac, kung saan sila ay nag-alay ng mga panalangin ng pasasalamat at pag-alala.
Bahagi ng selebrasyon ang pamamahagi ng mga kagamitan medikal sa mga napiling munisipalidad at lungsod sa Probinsya.
Kumpleto ang pamilya Marcos sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Pangulo ng bansa, pwera na lamang kay Senator Imee Marcos.
Dumalo din sa pagdiriwang si dating First Lady Imelda Marcos na tinawag ng Pangulo na forever first lady.
Sa mensahe ng Pangulo kaniyang binigyang diin na hinding hindi nito papayagan ang sinumang makapangyarihan, sinumang tao, na mang-api o manlalait sa mga Pilipino.
Binigyang diin ng President, dapat palaging alalahanin na kailangan nating gawin ang tamang bagay na sa kabila ng mga pagsubok, lagi tayong dapat nasa tamang panig ng kasaysayan.