-- Advertisements --
Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan sa Luzon ang klase ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 17, bunsod ng masamang panahon dulot ng Tropical Depression Mirasol.
Kung saan nagdeklara ng suspensyon ang mga klase sa:
LAGUNA
- Buong lalawigan – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
AURORA
- Casiguran – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Dilasag – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
QUEZON
- Burdeos – Kindergarten hanggang Senior High School (pampubliko at pribado)
- Jomalig – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Lopez – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Panukulan – Kindergarten hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
- Patnanungan – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Polillo – Kindergarten hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Ayon sa 5:00 a.m. bulletin ng PAGASA, nag-landfall ang Bagyong Mirasol sa Casiguran, Aurora kaninang madaling-araw. Dahil dito, 15 lugar sa Luzon ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.