Mahigpit na ipapatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang “No fly zone” sa paligid ng Batasan sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay NCRPO chief police Dir. Oscar Albayalde, ipapatupad ang No fly zone sa loob ng 6 kilometer radius sa venue ng SONA.

Mahigpit din aniyang ipinagbabawal ang paglipad ng mga drone sa nasabing lugar.

Nilinaw naman ng heneral na hindi nila puputulin ang signal sa area o maglalagay ng signal jammer.

Hindi na rin daw ipagbabawal ng PNP ang pagdadala ng mga backpacks sa Lunes pero magsasagawa ng random inspection ang mga otoridad.