Sa kabila ng 8,800 confimed COVID-19 cases at 106 deaths sa Australia ay wala ni isang Pilipino ang tinamaan doon ng nakamamatay na sakit.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Australia Ma. Hellen dela Vega na ito ay produkto ng pagiging maingat at masunurin ng Filipino community sa mga health safety protocols doon.

Ayon kay Amb. Dela Vega, sa ngayon, ibinalik sa stage 3 o hinigpitang muli ang restrictions sa Victoria kung saan hindi umano makakalabas kung hindi naman essential ang lakad.

Nag-deploy na rin ng karagdagang defense forces sa lugar para tulungan ang mga pulis sa pagpapatupad ng stricter quarantine measures.

May ilan din umanong Pilipino ang hindi muna pinayagang makauwi sa bansa dahil sa lockdown pero may isang sweeper flight ang Philippine Airlines galing ng Sydney, Australia ang lilipad pauwi sa bansa sa darating na July 25 sakay ang ilang displaced Filipinos.

.