Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa kabila ng mataas na demand ng paracetamol sa ilang butika sa Metro Manila at iba pang lugar ay wala raw pagtaas sa presyo ng paracetamol.
Sinabi ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, bukod sa pangako sa pagbibigay ng mga manufacturer at retailer, mayroon din silang commitment na hindi magtataas ang presyo dahil sa temporary stock-outs na nararanasan at hindi ito sapat na dahilan para itaas ang presyo.
Muli ring iginiit ng opisyal ng DTI na magiging normal ang supply ng paracetamol ngayong weekend gaya ng ginawa ng mga drug manufacturer at retailer.
Sa unang bahagi ng linggong ito, ang mga netizens ay nagpahayag sa social media ng kanilang sintimiyento dahil umano sa hirap silang bumili ng mga brand ng paracetamol at mga anti-flu tablets dahil wala na ang mga ito sa mga butika.
Ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ay nagsabi na ang isang pansamantalang kakulangan ng ilang mga brand ng paracetamol ay nararanasan sa ilang mga lugar.
Magugunitang humingi ng paumanhin ang local pharmaceutical giant na Unilab Inc. sa mga customer nito sa pansamantalang kakulangan ng ilang brand ng gamot sa mga piling botika dahil sa “extraordinary high demand.”