Asahan ang taas-babang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, base sa Department of Energy (DOE).
Sa nakalipas na apat na trading, inaasahan ang posibleng umento na 50 sentimos kada litro sa gasolina.
Habang sa diesel naman inaasahang mapapatupad ng rollback na 70 sentimos at sa kerosene naman ay tapyas na piso kada litro.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng DOE, ang inaasahang rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng pagtaas ng produksiyon ng Organziation of Petroleum Exporting Countries (OPEC+) at iba pang mga bansa kaakibat ng tinatayang pagsipa ng pandaigdigang demand sa 1.38 million bariles kada araw sa susunod na taon.
Maaari ding makaambag dito ang inaasahang peace talks sa pagitan ng US at Russia sa giyera sa Ukraine.
Inaasahan na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang pinal na paggalaw sa presyo ng langis sa araw ng Lunes, Agosto 18 at ipapatupad sa araw ng Martes, Agosto 19.