-- Advertisements --

Magsasara ngayong araw ang ilang pangunahing kalsada sa Maynila kaugnay ng pagsisimula ng tatlong araw na prayer rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila. 

Kabilang sa mga kalsadang hindi madaraanan ng mga motorista ay ilang bahagi ng mga sumusunod:

  • Bonifacio Drive
  • Roxas Boulevard
  • Katigbak Drive
  • South Drive
  • Independence Road
  • Kalaw Avenue
  • P. Burgos Avenue
  • Maria Orosa Street
  • Finance Road
  • Roundtable
  • Mabini Street

Ayon sa abiso ng Manila Public Information Office, inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng Taft Avenue, iba pang bahagi ng P. Burgos Avenue, M.H. del Pilar Street, Roxas Boulevard service road, United Nations Avenue, Anda Circle, at mga kalsada sa Intramuros bilang mga alternatibong ruta.

Para naman sa mga truck, maaaring dumaan sa Quirino Avenue, Capulong Street, Yuseco Street, at Lacson Avenue.

Inaasahang magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng nabanggit na lugar habang nagpapatuloy ang malaking pagtitipon.