Mariing itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyong nagpapatupad ang kanyang administrasyon ng selective justice o piling pagpapatupad ng batas.
Sa panayam, tinanong ang Pangulo tungkol sa kanyang reaksyon sa mga paratang na may kinikilingan ang kanyang administrasyon sa pagpapatupad ng hustisya.
Bilang tugon, sinabi ni Marcos, “That’s their opinion. I believe they’re wrong.”
Ipinapahiwatig ng Pangulo na hindi siya sang-ayon sa naturang alegasyon at iginiit na ito ay opinyon lamang ng kanyang mga kritiko.
Ang pahayag ng Pangulo kasunod ng naging pahayag ng Iglesia ni Cristo na may umiiral na selective justice sa administrasyong Marcos.
Una ng sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro, may mga kaso na naisasampa at natutugunan kahit pa ang mga sangkot ay kaalyado o malalapit sa pamahalaan.
Dagdag niya, ipinapakita nito na pantay ang pagpapatupad ng batas basta may sapat na ebidensya, anuman ang koneksyon ng isang tao.
Paliwanag pa ng opisyal, ang selective justice ay maituturing lamang kung may paggamit ng impluwensya, pananakot, o karahasan upang hindi mapanagot ang isang tao sa kaso.
















