-- Advertisements --

Nagpahayag ng ‘unconditional support’ ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa protestang isinagawa ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio Freedom Park.

Ang naturang protesta ay ang ikatlong araw ng 3-day protest na isinasagawa ng religious organization na unang nagsimula noong Martes, June 30, bilang pagpapakita ng suporta kay Sen. Rodante Marcoleta, sa harap ng plunder case na inaasahang ihahain laban sa kaniya.

Ayon kay PDP Deputy National Spokesman Ferdinand S. Topacio, tumitindig at sumusuporta ang naturang political party, hindi lamang sa mga miyembro ng INC kundi maging sa iba pang mga Pilipino na sumasama sa mga serye ng demonstrasyon.

Sumusuporta rin aniya ang PDP sa panawagan para sa hustisiya, maayos na pamamahala, at pananagutan ng lahat ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kasabay nito ay binatikos din ni Topacio ang umano’y malawakang korapsyon na nagaganap sa ilalim ng Marcos administration.

Kung babalikan ay isinagawa ng INC ang dalawang araw na rally sa EDSA, Quezon City ngunit sa ikatlong araw ay dinala ng grupo ang protesta sa Maynila.