-- Advertisements --

Nagsagawa ng indignation rally ang ilang grupo sa pangunguna ng United People’s Initiative (UPI) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Linggo, Hulyo 19.

Bitbit ang mga plakard at streamer na naglalaman ng kanilang pagtuligsa sa umano’y katiwalian at iba pang isyu na kanilang iniuugnay sa kasalukuyang administrasyon.

Kasabay ng isinagawang protesta ang dagsa ng mga commuter noong Linggo ng hapon, dahilan upang magsiksikan ang mga pasahero sa mga pangunahing lansangan malapit sa Liwasang Bonifacio habang naghihintay ng masasakyan.

Bahagyang isinara ang Quezon Bridge patungo sa lugar ng rally, kaya’t ipinatupad ng mga awtoridad ang rerouting para sa mga motorista.

Naglagay rin ng razor wire barricades ang mga awtoridad sa kahabaan ng Recto Avenue at Mendiola Street bilang bahagi ng seguridad sa lugar.

Dahil sa road closures at traffic rerouting, nakaranas ng katamtaman hanggang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila, kabilang ang Nagtahan Bridge.

Dakong alas-9:00 ng gabi nitong linggo, natapos ang protesta. Nanatili naman ang mga tauhan ng PNP sa lugar upang tumulong lagay ng trapiko.