-- Advertisements --
Humingi ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng dagdag na puwersa mula sa ibang regional police units.
Ito ay para magbantay sa ikatlong araw ng kilos protesat ng Iglesia Ni Cristo (INC) na gaganapin sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Ayon kay NCRPO chief Major Gen. Anthony Aberin, na kailangan ang dagdag na puwersa dahil ang Liwasang Bonifacio ay malapit lamang ito sa Malacañang.
Mayroon ng inisyal na 1,000 mga kapulisan ang nakalagay sa Liwasang Bonifcio.
Itinuturing ng opisyal na mas malaking hamon ang pagbabantay sa Liwasang Bonifacio kumpara sa EDSA White Plains dahil ito ay malapit sa Malacañang.
















