Iimbestigahan ngayon ng Quezon City Council ang umano’y hindi angkop na asal na ipinakita ni 2nd District Councilor Ranulfo Ludovica sa isang traffic enforcer kasunod nang rally ng Iglesia ni Cristo sa People Power Monument noong Miyerkules.
Nag-ugat ang insidente habang nag-iisyu ng citation ticket ang LTO officer sa isang driver na ilegal umanong nakaparada ang sasakyan sa lugar.
Sa halip ay kinompronta ng naturang konsehal ang LTO officer na mali ang kanyang ginawa na siya namang nagdulot ng bahagyang girian sa ilang mga raliyista.
Nagdulot kasi ng matinding pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng EDSA matapos maharangan ang kalsada.
Sinabi ng konseho na magsasagawa ito ng pormal na imbestigasyon upang alamin ang mga detalye ng insidente at kung ang naging kilos ng opisyal ay naaayon ba sa pamantayan ng tungkulin ng mga halal na opisyal.
Paalala rin ng konseho na bagama’t may karapatan ang mga opisyal na magpahayag ng saloobin, dapat pa rin itong gawin nang may respeto, profesionalism, at paggalang sa karapatan ng iba.
Nabatid na si Ludovica ay dumalo sa rally ng INC bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta, na nahaharap sa posibleng plunder complaint kaugnay ng umano’y hindi pag-deklara ng campaign donations.
















