-- Advertisements --

Tuluyan nang pinalaya ang apat na inaresto sa rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA noong Miyerkules, Hulyo 2, 2026, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang mga naturang indibidwal ay unang hinuli ng pulisya dahil sa umano’y panggugulo, pananapak, at sadyang pag-ipit sa isang babaeng police officer sa pagsisimula ng 3-day rally ng naturang religious organization.

Ayon kay NCRPO spokesperson PMaj. Hazel Asilo, bagaman tuluyan nang pinalaya ang mga ito, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensiya para sa isasampang kaso laban sa kanila kinalaunan.

Nilinaw din ni Asilo na hindi ‘mabilis’ o ‘agad-agad’ pinakawalan ang mga naturang indibidwal.

Sa katunayan aniya, isinailalim din ang mga ito sa serye ng pagtatanong at imbestigasyon, at ang pagpapalabas sa kanila ay bahagi lamang ng legal na proseso aniya habang patuloy bang pangangalap ng ebidensiya.