-- Advertisements --

Tiniyak ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa mga residente ng Negros na hindi sila nag-iisa sa kabila ng pinsalang dulot ng bagyo, kasabay ng paghahatid ng P95 milyon tulong-pinansyal mula sa pamahalaan.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinangunahan ni Frasco kasama si Education Secretary Sonny Angara ang relief operations sa mga apektadong komunidad.

Ayon sa presidential assistance fund, P50 milyon ang ibibigay sa Negros Occidental, habang P10 milyon bawat isa sa La Carlota City, La Castellana, at Moises Padilla, at P5 milyon sa mga bayan ng Binalbagan, Isabela, at Hinigaran.

Pinangunahan din ng ahensya ang pamamahagi ng family food packs, family kits, at hygiene kits mula sa DSWD sa mga evacuation centers. (report by Bombo Jai)