-- Advertisements --

Inaasahang magpapatupad ng umentong P1 kada litro sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) ngayong Biyernes, Agosto 1, base sa 4-day trading data mula sa pandaigdigang merkado, posibleng magpatupad ng umentong P1.50 kada litro sa presyo ng gasolina.

Sa diesel naman, inaasahan ang taas na P1 kada litro habang P0.80 naman sa kada litro ng kerosene.

Ang inaasahan namang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ay ipapatupad lamang sa mga lugar na hindi nakasailalim sa state of calamity kasunod ng pananalasa ng mga nagdaang bagyo at habagat sa bansa sa mga nakalipas na linggo.

Habang ang mga lugar na nagdeklara ng state of calamity ay patuloy na ipapairal ang price freeze sa presyo ng langis.

Ang pinal na presyuhan ng mga produktong petrolyo ay iaanunsiyo sa araw ng Lunes, Agosto 4 at ipapatupad naman sa araw ng Martes, Agosto 5.