-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo ngayong araw.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.80 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P1.30 na bawas sa kada litro ng diesel at ang kerosene naman ay mayroong P1.60 na bawas sa kada litro.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy na ang bawas presyo ay dahil sa pinataas na produksyon ng langis at ang huminang demand ng mga consumer.

Kasama na rin dito ang positive market sentiments sa posibleng ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine.