-- Advertisements --
Taal exclusive photo 4
Taal volcano (c) Bombo Christian Yosores)

ILOILO CITY – Dismayado ang Animal Welfare Advocate of the Philippines sa local government unit ng Batangas dahil hindi agad na-rescue ang mga hayop kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Norman Marquez, senior Animal Welfare Advocate of the Philippines, sinabi nito na hindi niya nagustuhan ang naging hakbang ng Batangas Government kung saan mas piniling iwan ang mga hayop sa pagligtas sa mga tao na malapit sa bulkan.

Ayon kay Marquez, labis na naapektuhan ang mga hayop kung saan napuno ito ng abo dahilan ng kanilang paghina at pagkamatay.

Aniya, plano ng kanilang grupo na pumunta sa Batangas para ma-rescue ang iba pang mga hayop na naiwan sa danger zone. (cover photo by Bombo Sol Marquez)