-- Advertisements --

Binanatan ng pa-retiro nang mahistrado ng Korte Suprema ang sinasabing pag-set aside ni Pangulong Rodrigo Duterte sa arbitral ruling na inisyu ng The Hague tribunal para sa joint oil exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senor Associate Justice Carpio, wala umanong kapangyarihan ang pangulo ng bansa para i-set aside ang arbitral ruling base sa saligang batas.

Pero kahit wala umanong kapangyarihan ang pangulo sa ilalim ng batas para i-set aside ang arbitral ruling, ang unilateral declaration ng Pangulo na sini-set aside ang arbitral ruling ay puwedeng mag-bind sa Pilipinas sa ilalim ng international law sa ilalim din ng doctrine ng unilateral declarations.

Nagpasalamat naman ito kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin dahil sa pagiging vigilant sa naging pahayag ng Pangulong Duterte matapos sabihin ng kalihim na hindi inaabandona ng bansa ang arbitral ruling.