Inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang pang batas na maaring makapagpilit sa isang mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ginawa ni Guevarra ang paglilinaw kasunod na rin ng banta kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte doon sa mga mga residente na aarestuhin kung nagmamatigas pa ring magpasailalim sa vaccination program bng gobyerno.
Ayon sa kalihim, maaring gumamit lamang ng mabibigat na salita ang pangulo upang bigyang diin ang pangangailangan ng bansa na magpabakuna na ang mamamayan upang makamit sa lalong madaling panahon ang tinatawag na herd immunity.
Paliwanag naman ni Guevarra, sa ngayon hindi pa mandatory ang vaccination drive at wala ring batas na mag-criminalize sa mga tumatangging magpabakuna.
Tinawag pa ni Guevarra, na ang pangulo na isa ring abogado ay alam naman nito na ang hindi pagpapabakuna ng isang tao ay isang “legal choice.”