Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang kinalaman sa pagbibitiw ni D. Anthony Leachon bilang Special Adviser to COVID-19 National Task Force.

Pahayag ito ni Sec. Roque matapos sabihin ng doktor na pinagbitiw siya nina Sec. Roque at ni Health Sec. Francisco Duque III sa trabaho.

Sinabi ni Sec. Roque, wala silang kakayahan na gawin ito at maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi siya pinagbitiw sa pwesto.

Pero ayon kay Sec. Roque, napuna ni Pangulong Duterte ang mga public statements nito laban sa recording ng pamahalaan sa COVID situation sa bansa at ito ang nagtulak kay NTF chief implementer Sec. Carlito Galvez na kausapin ang doktor.

Batid naman daw nila na mayroon pang kailangang paigtingin sa recording ng pamahalaan at puspusan na ang ginagawa nilang paraan para ma-improve ito.

Nagalit din daw sila kasi pinalalabas ni Leachon na sinungaling sila at nagtatago ng mga impormasyon.