-- Advertisements --

Umapela si Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo na maghinay-hinay ang mga pribadong kompaniya na nagsisimula na sa pagbibigay ng booster shots.

Ayon kay Domingo, ipaubaya muna sana sa mga eksperto ang pagdedesisyon bago gumawa ng sariling hakbang ang ilang tanggapan.

Hiling ng opisyal, patapusin muna sanang makatanggap ang lahat ng nais magpabakuna dahil malaking bilang pa rin ang hindi natuturukan, mula sa malalayong lugar.

Kahit na raw sariling gastos ito ng anumang kompaniya, importante pa ring ikonsidera ang pananaw ng vaccine experts, upang mabatid kung may silbi pa nga ba ang dagdag na bakuna.

Matatandaang lumabas sa isang pag-aaral na dapat ibatay sa immune system ng nagpapaturok ang dami ng booster dose na ibibigay sa kaniya.

Hindi rin kasi maganda na maling balanse pa sa immune system ang maging bunga ng walang gabay na pagpapaturok ng third vaccine dose.