-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nasa kustodiya na ng mga otoridad ang opisyal mula sa paaralan matapos na makatanggap ng sexual harassment complaint mula sa isang kadete.

Ayon sa paaralan, nasampahana na ng mga kasong kriminal ang pulis at isang kasong administratibo naman ang isaampa ng PNPA laban sa naturang personnel.

Tiniyak naman ng academy na kasalukuyan na silang nagpapaabot ng psychological support sa biktima ng panghahalay kung saan umapela ang paaralan na respetuhin at proteksyunan ang privacy ng biktima.

Samantala, siniguro rin ng PNPA na patuloy silang gumagawa ng mga sapat na hakbang para ma mapaigting pa ang kanilang internal mechanisms at kinokondena ang mga ganitong klase ng gawain.