Nagpapatuloy sa kanilang imbestigasyon ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) matapos ang naganap na hazing incident sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) nito lamang Abril 3.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, layunin ng imbestigasyon na matukoy ang dahilan kung bakit na-delay ng halos apat na araw ang paguulat tungkol sa insidente.
Kasunod nito ay kinumpirma rin ni Dulay ang pagsilip sa posibilidad ng mga naging pagkukulang o cover up ng mga commanders sa nangyaring pangaabuso sa loob ng akademiya.
Ani pa ni Dulay, kapag mapatunayan sa imbestigasyon na may mga naging pagkakamali ang mga sangkot na pulis, nakatakda silang sampahan ng mga administratibong kaso.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ulisya sa pangunguna yan ng Directorate for Detective and Management para sa paghahanap ng iba pang ebidensiya na siyang makakatulong sa pagtukoy sa mga totoong nangyari at iba pang mga sangkot sa naging pangaabuso.
Samantala, bagamat hindi pa tukoy sa ngayon kung hanggang saang mga ranggo ang sakop ng command of responsibility sa insidente ay tiniyak naman ng IAS na ang kanilang ikinakasang imbestigasyon ay magiging patas may disiplina at mayroong propesyunalismo.












