-- Advertisements --

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang naging direktiba ng ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na palakasin ang serbisyo ng Internal Affairs Service (IAS) para matiyak ang integridad ng kanilang irganisasyon.

Ani PNP-IAS Insoector Gen. Atty. Brigido Dulay, nagpapakita lamang aniya ito na pangunahingg layunin at prayoridad pa rin ng PNP ang pagkakaroon ng integridad, pananagutan at disiplina sa kanilang mga serbisyo.

Dahil aniya sa naging suporta at tiwala ng hepe sa kanilang tanggapan ay mas gagampanan aniya nila ang kanilang mandato ng may buong tapang, paninindigan at sigasig para matiyak na katiwa-tiwala ang kanilang hanay para bigyang lingkod ang publiko.

Samantala, nauna naman dito ay iminugkahi ni Torre na nais niyang mas palakasin ang IAS para sa mas mabilis na pagaksyon at imbestigasyon sa mga isyu hinggil sa mga tiwaling pulis na lumalabag sa kanilang mga mandato.

Isa naman ito sa mga hakbang ng hepe para umpisahan ang internal cleansing sa loob ng organisasyon para sa mas maayos na pagbibigay serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.