-- Advertisements --

Inanunsyo ng Kamara de Representantes, na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pagpapatupad ng isang komprehensibong reporma na naglalayong gawing mas bukas, inklusibo, at tunay na alinsunod sa prinsipyo ng demokratikong pananagutan ang proseso ng pambansang budget.

Inihayag ni Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, Chairperson ng House Committee on Appropriations, na aalisin na ng Kamara ang matagal nang praktis ng pagbuo ng “small committee” na siyang tumatanggap at nagkokonsidera ng mga panukalang amyenda ng mga kongresista sa General Appropriations Bill (GAB).

Isa sa reporma ay ang pag-alis sa Small Committee na nagsilbi bilang isang lupon kung saan dito nagaganap ang budget insertion.

Pangalawa pagsasa-ayos ng Budget calendar para sa mas malalim na talakayan sa plenaryo.

Pangatlo pagbubukas ng Bicam Conference Committee sa Publiko at pang apat partisipasyon ng Civil Society bilang Budget Watchdogs.

Paliwanag ni Suansing na lahat ng institutional amendments ay kailangang ihain, talakayin, at aprubahan sa plenaryo bago ang ikalawang pagbasa ng GAB sa plenaryo. Kapag lumusot na sa ikalawang pagbasa ang panukala, wala nang ibang pagbabago ang tatanggapin katulad ng proseso sa lahat ng ibang batas.

Lahat ng repormang ito ay tugon sa lumalakas na panawagan mula sa publiko para sa transparensiya, katarungan, at konkretong resulta sa paggasta ng pamahalaan. Bagamat ang budget ay isa sa pinakamahalagang tungkulin ng Kongreso, ito rin ay isa sa pinakadalang maunawaan. Naniniwala si Speaker Romualdez na ngayon ang tamang panahon hindi lang para tumugon kundi para mamuno.

“This is not just reform. This is transformation. Under the leadership of Speaker Romualdez, the House is opening its doors, lifting the curtain, and bringing the people back to the center of the budget process where they rightfully belong,” pahayag ni Suansing.