Itinalagang caretaker ng bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte habang nasa abroad ang pangulo.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil.
Limang araw ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Germany at Czech Republic simula ngayong araw hanggang Biyernes, March 11 hanggang March 15.
Sa kabila ng ilang isyu sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng pamilya ni VP Sara Duterte, hindi kailanman nawala ang kumpiyansa ang Pangulo na ipagkatiwala sa bise presidente ang pangangalaga sa bansa sa mga panahong wala siya para sa pagpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng mga kapwa lider sa mundo.
Ito na ang ika apat hanggang ikalimang biyahe ng pangulo sa ibang bansa para sa working visits at state visits.
Kabilang sa mga naging biyahe ng Pangulo mula nitong enero ng kasalukuyang taon ay sa Vietnam, dalawang beses sa Australia, at ngayon sa Germany at Czech Republic naman para sa linggong ito.