Walang anumang balak si Vice President Sara Duterte na humingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pansamantalang paglaya ng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court (ICC).
Kahit na ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber ang interim release request ng depensa ay naghain ng apila ang abogado nila na si Atty. Nicholas Kaufman.
Dagdag pa ng Bise Presidente na hindi niya babawiin ang naunang pahayag na pina-kidnap ng gobyerno ang dating pangulo para harapin ang kaso nito sa ICC sa the Netherland.s.
Giit pa ni Duterte na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pag-aresto sa dating Pangulo.
Una ng ipinaliwanag ng gobyerno ng Pilipinas na obligado silang tulungan ang interpol na ihain ang ICC warrant laban sa dating pangulo ng bansa.