-- Advertisements --

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na naniniwala siya sa mga alegasyon ng suhol na kinasasangkutan ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon sa pangalawang pangulo, tugma ang mga ulat ukol sa mga maletang puno ng pera sa mga naunang balita ng katiwalian.

Binanggit din niya ang desisyon ng Delaware Court sa kaso ng Okada Manila, kung saan paulit-ulit na lumitaw ang pangalan ni Romualdez.

Tinukoy ng korte ang “heavy luggage” na umano’y naglalaman ng dokumento, ngunit hindi ito pinaniwalaan.

Para kay VP Duterte, ang pattern ng mga pangyayaring ito ay hindi na dapat balewalain.

Muli niyang kinuwestiyon ang desisyon ni Pangulong Marcos Jr. sa pagsuporta kay Romualdez bilang Speaker noon.

Sa huli, iginiit niyang darating ang panahon ng hustisya at paniningil mula sa taumbayan.

Wala pa namang panibagong tugon ang kampo ni Romualdez sa bagay na ito.