-- Advertisements --
Isinusulong ni Vice President Sara Duterte ang digital transformation sa gobyerno para labanan ang kurapsyon.
Sa dinaluhan nitong pagtitipon sa lungsod ng Pasay nitong Lunes, sinabi nito na mahalagang magamit ang teknolohiya para maiwasan ang anumang unconstitutional budget insertions.
Sa nasabing teknolohiya ay maipapatupad ang checks and balances, monitor ng paper trails at mabantayan kung saan napupunta ang pera ng bayan.
Mahalaga na ma-digitalized na lahat ang proseso sa gobyerno para lahat ng transaksyon ay magiging transparent na rin.