-- Advertisements --
Nagpasya si Vice President Sara Duterte na hindi dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ukol sa kaniyang impeachment.
Kinumpirma ito ng isa niyang abogado na si Atty. Michael Poa sa hindi pagdalo sa nasabing pagdinig sa Miyerkules, Marso 25.
Ito ang unang pagdinig ng impeachment complaints sa Bise President na unang napatunayang sufficient in form, substance at grounds.
Nitong Marso 16 ng magsumite ang kampo ng Bise President ng kanilang kasagutan sa impeachment complaints matapos na makitang sufficient in substance noong Marso 4.
Ipinapabasura ng kampo ng Bise Presidente dahil ang mga alegasyon ay hindi impeachable offenses.















